Guro kinidnap sa bahay

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang guro sa pampublikong paaralan  matapos sumalakay sa isang komunidad sa Barangay Labuan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Zamboanga City PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagdukot sa biktimang si Flordeliza Ongchua sa tahanan nito sa nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon, sumulpot sa lugar ang mga armadong kalalakihan at hinahanap si Barangay Chairman Oning Maravilla subalit hindi mahagilap. Dito na pinasok ang tahanan ni Ongchua at kinaladkad ang nasabing guro sa pump boat saka tumahak sa hindi pa mabatid na destinasyon. Samantala, iniulat din na dalawang pulis na nakatalaga sa detachment ng barangay at ang guwardiya ng pamilya Ongchua ang dinisarmahan ng mga armadong kidnaper.

Show comments