Principal itinumba sa simbahan

ANILA, Philippines - Napatay ang 62-anyos na principal sa pampublikong ele­mentary school matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding gunman sa harap ng simbahan sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi noong Martes ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Rodelio Jocson na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Conchita “Ching” Franciso, punong guro sa Mindanao State Universit Laboratory Elementary School. Sa pahayag ng mga testigo sa pulisya, kalalabas lamang ng biktima sa Holy Rosary Parish Church nang lapitan at ratratin ng gunman. “Iisa lang ang nakikitang  anggulo ng ating mga investigator, professional jealousy, may nainggit sa kanya, she assumed her post (principal) of MSU last June,” pahayag ni Jocson.

Show comments