Lolo dedo sa tandem

SANTIAGO CITY, Philippines , Isabela - Napaslang ang 78-anyos na lolo matapos ratratin ng riding-in-tandem habang ito’y lulan ng traysikel kasama ang anak na babae sa Barangay Bacsil sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni PO3 Romar Renon ang biktimang magsasaka na si Severino Asuncion ng Barangay Guimod Norte sa nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang biktima at katabi ang anak nitong babae nang ratratin ng tandem. Hindi naman idinamay ang anak ng biktima na natulala sa nasaksihang pamamaslang sa kanyang ama.

 

Show comments