MANILA, Philippines - Dalawampu’t anim na pasahero ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa highway ng Brgy. Rubber sa bayan ng Tupi, South Cotabato noong Lunes ng gabi. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga nasugatan ay sina Abtahi Wahida, Odor Macadatu, Amil Macadatu, Sadamen Macadatu, Ohaira Macadatu, Ryan Macadatu, Nabila Macadatu, Alik Macadatu, Aminude Macadatu, Kusangan Sapura, Hadji Usop Badrudin,Rygel Umadhay, Anthony Umadhay,Gabrielle Umadhay, Cedric Adrian Umadhay,Cybelle Umadhay, Marielle Umadhay, Mickael Ryan Umadhay, Samina Kasingan at pitong iba pa na isinugod sa ospital. Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Husky Bus na may plakang MVV171.