MANILA, Philippines - Dalawang minero ang iniulat na nasawi matapos na gumuho ang tunnel ng minahan ng ginto sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Lawangon, 36; at Mark Glenn Casher, 27. Sa ulat ng PNP-Caraga na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang marekober ang bangkay ng dalawa sa tunnel ng Sitio Sumugbong sa bayan ng Alegria. Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang abala sa pagtatrabaho sa loob ng tunnel ang dalawang ng biglang gumuho noong Sabado ng hapon. Ang nasabing small scale mining na pinagtatrabahuhan ng dalawang biktima ay sinasabing pag-aari ng negosyanteng si Minak Tagleong.