Bike rider pisak sa trak

BULACAN, Philippines - Sinalubong ni kamatayan ang nagmomotorsiklong mister na sinasabing kaskasero matapos masagasaan at makaladkad ng trak sa kahabaan ng highway sa Barangay Graceville sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Glen Ebardone habang sumuko naman sa pulisya ang truck driver na si Arnold Favia, 33, ng Barangay Malanday, Valenzuela City. Ayon kay PO2 Ronald Garados, tinangkang lagpasan ng motorsiklo ng biktima ang trak ni Favia subalit sumabit ito sa hulihang gulong bago tuluyang nasagasaan at nakaladkad ng ilang metro.

 

Show comments