Black sand mining, talamak

SARIAYA, Quezon, Philippines – Pinaniniwalaang mawawala sa mapa ang apat na barangay sa bayan ng Sariaya, Quezon dahil sa hindi mapigilang pagmimina ng black sand na sinasabing protektado ng mga tiwaling opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ito ang kinumpurma ni Quezon Vice Gov. Vicente “Kulit” Alcala sa panayam sa local radio na patuloy pa rin ang talamak na operasyon ng quarry at black sand mining sa mga Brgy. Bukal, Bignay II, Kiling at sa Brgy. Guis-Guis. Ayon sa bise gobernador na nagiging maluwag ang mga tauhan ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) at ang DENR sa pagbibigay ng permit sa ilang quarry operator kaya patuloy pa rin ang ganitong gawain kung saan halos nagdudulot ito ng sakuna sa kalikasan at posibleng paglubog ng nasabing bayan. Base sa report, aabot sa 7-katao ang naiulat na nasawi dulot ng pagbaha dahil sa illegal na pagmimina sa bayan Sariaya.

 

Show comments