BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng walong sibilyan matapos maaresto ng pulisya sa inilatag na magkakahiwalay na drug bust operation sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ramil Magdaraog ng Samantha Subd., Brgy. Lawa; Richmar Masangya ng Brgy. Perez; Bernardo Genova ng Brgy. Biñang 1st, Bocaue; Lauro Hundrado ng Brgy. Poblacion, Norzagaray; Edgar Guevarra ng Brgy. Bunsuran 2nd, Pandi; Jonathan Ignacio ng Brgy. Tabon, Pulilan; Jayson Enriquez ng Brgy. Viente Reales, Valenzuela City at si Raquelyn Duata ng Brgy. Bancal, Meycauayan City. Sa ulat na nakarating kay P/Supt.Sydney Villaflor, ang mga suspek ay dinakma sa pot session sa mga lugar ng Brgy. Bancal at Brgy. Perez kung saan nasamsam ang anim na plastic sachet ng shabu.