^

Probinsiya

25 MILF sugatan sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 25  miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang nasugatan makaraang bumaliktad  ang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay Lubigan, Zamboanga City noong Martes ng gabi. Karamihan sa mga biktima kabilang ang driver ay isinugod sa Zamboanga City Medical Center. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Napoleon Estilles, PNP director sa Regional PNP Office 9, bumabagtas ang pampasaherong jeepney (KVS 102) ni Amir Alih nang mawalan ng kontrol sa manibela at bumaliktad matapos itong makaidlip sa pagmamaneho. Nabatid na ang mga biktima ay umarkila ng dalawang jeepney para dumalo sa convention ng GPH- Bangsamoro framework agreement at kasalukuyang pauwi sa Pagadian City. Nahulog sa malalim na kanal sa gilid ng kalsada ang sasakyan ng mga biktima habang ang isa pang jeepney na kasunod nito ay wala namang nangyari.

AABOT

AMIR ALIH

BANGSAMORO

BARANGAY LUBIGAN

CHIEF SUPT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAPOLEON ESTILLES

PAGADIAN CITY

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with