Kuya binoga ng kapatid, dedo

MANILA, Philippines - Napatay ang 45-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng nakababata nitong kapatid  sa Barangay Daclapan sa  bayan ng Cabugao, Ilocos Sur kamakalawa. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Jimmy Saniatan habang nasakote naman at nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na si Dominador Saniatan, 38.  Sa ulat ng Ilocos Sur PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa tahanan ng mga magulang ng magkapatid na Saniatan bandang alas-3 ng madaling araw. Nabatid na nasa impluwensya ng alak ang nagwawalang biktima nang magtalo ang magkapatid kung saan nagbanta ang una na muling sasaktan ang suspek. Bigla na lamang kinuha ng suspek ang nakatagong paltik at pinagbabaril ang biktima bago pa man siya muling masaktan nito.

 

Show comments