Palengke binomba: 5 sugatan
MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang itinanim na bomba ng mga di-kilalang lalaki sa pamilihang bayan ng Tantangan, South Cotabato noong Lunes ng gabi. Kabilang sa mga sugatan ay sina Rogelio Olarte, 59; Almeda Pabistan, 31; at ang tatlong tinedyer na nagkakaedad 12 hanggang 15 na pawang naninirahan sa Poblacion. Sa ulat ni P/Senior Supt. Randolph Delfin na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagsabog sa palengke ng Tantangan may ilang metro lamang sa paradahan ng mga traysikel at jeepney. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente subalit lumikha ito ng pangamba at matinding takot sa mga residente.
- Latest