Army engineer dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Napaslang ang Army engineer habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa kahabaan ng circumferential road, Barangay Amaloy sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division spokesman Captain Alberto Caber ang nasawing sundalo na si Pfc Jalil Ahung habang naisugod naman sa Camp Navarro Hospital ang mga sugatang  sina Sgt. Abdulnander Bakil at Cpl. Jaime Dugasan na pawang nakatalaga sa 55th Enginee­ring Battalion.

Base sa ulat, pabalik na ang mga sundalo sa Barangay Camalig, Unkaya Pukan mula sa ginagawang proyektong pang-komunidad sa bayan ng Tipo-Tipo nang tambangan ng mga bandido.

Samantala, nagpadala na ng karagdagang tropa si Col. Carlito Galvez Jr. commanding officer ng Army’s 104th Infantry Brigade upang tugisin ang mga bandido.

Show comments