CEBU CITY, Cebu, Philippines – Mas mapanganib ang sakit na diarrhea na sinasabing pumatay ng 16-katao sa Cebu City simula noong Enero hanggang Setyembre 30, 2012 kumpara sa dengue, ayon sa ulat.
Base sa surveillance report ng Cebu City Health Department, lumalabas na ang sakit na diarrhea ay mas nakamamatay kaysa virus ng dengue na may 10-katao lamang ang nasawi sa magkatulad na buwan.
Ayon sa ulat, aabot sa 2,733-katao ang nakaranas ng diarrhea sa unang siyam na buwan ng 2012 kung saan 16 ang namatay habang 2,900-katao ang dinapuan ng dengue at 10 ang nasawi.
Noong 2011, umabot sa 1,850-katao na nadale ng dengue kung saan 13 ang nasawi habang umabot naman sa 4,37-katao ang nagka-diarrhea at 37 ang nasawing pasyente sa iba’t ibang ospital.
“Some bacteria can wreak havoc on our digestive system and the tiny bugs find fertile breeding ground in raw meats, eggs, shellfish, and unpasteurized milk,” pahayag ng mga eksperto sa kalusugan.
Lumilitaw na ang diarrhea ay maihahalintulad sa viral o bacterial infection na nagdudulot ng food poisoning.
Isa sa pinaka-most common food-related na kaso ng diarrhea ay nagmula sa ilang pagkain na kontaminado ng bacteria sa araw-araw kung saan hindi nailagay sa ref bago kainin ng isang pasyente.
Nanawagan naman sa publiko si Durinda Macasocol ng City Health Department na hugasan at lutuing mabuti ang karne ng baka, manok at itlog bago maghugas ng kamay o anumang utensils na ginamit sa pagkain.
Samantala, ilagay naman sa ref ang anumang natirang pagkain bago makontamina ng bacteria. Freeman News Service