^

Probinsiya

Surigao, Guimaras at Pangasinan nilindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Surigao del Sur at apat na iba pang bahagi ng bansa kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Insti­tute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang  lalim ng lindol sa  78-kilometro at tectonic ang origin nito.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa bayan ng Tandag, Surigao del Sur habang  intensity 4 naman sa Surigao City at intensity 3 sa bayan ng Bislig, Surigao del Sur. Ka­sunod nito, niyanig din ng lindol ang bayan ng Bolinao, Panga­sinan na may lakas na 2.4 magnitude kahapon ng madaling araw. Gayundin ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte na may lakas na 2.8  magnitude habang nilindol din ang bayan ng Buenavista, Guimaras na may lakas na magnitude 4.6 kahapon ng madaling-araw.

Samantala, naitala rin ang paglindol sa Saranggani, Davao del Sur sa lakas na  magnitude 4.1 noong Biyernes ng gabi.

 

AYON

BISLIG

BIYERNES

BOLINAO

BUENAVISTA

PHILIPPINE INSTI

SURIGAO

SURIGAO CITY

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with