Ama dakma sa kasong rape

BULACAN , Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 38-anyos na mister matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa kasong rape laban sa kanyang anak-anakang babae noong 2011 sa Barangay Zamora, Meycauayan City, Bulacan kahapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu­ ni Judge Ma.Teresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17, arestado ang suspek na si Antonio Neri. Wala namang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

 

Show comments