Tomboy, kinalasan ng gf nag-suicide

CAVITE, Philippines – Dahilan sa matinding depresyon matapos na kalasan ng kaniyang dating girlfriend, nag-suicide ang isang tomboy nang magbaril sa sarili sa harapan ng kaniyang minamahal sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Dasmariñas City Police Chief Supt. Ulysses Cruz ang biktima na si Melody Albay alias Mel 30-anyos, residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rez Alovera, may hawak ng kaso, bandang alas-11:30 ng gabi ng makipagtagpo ang biktima sa kaniyang dating girlfriend na hindi tinukoy ang pangalan.

Sa gitna ng pag-uusap ng dalawa ay biglang bumunot ng baril ang biktima at nagbaril sa mismong puso nito na agad bumulagta sa insidente.

Nagawa pang maisugod ang biktima  sa pagamutan pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Show comments