^

Probinsiya

2 parak nakisawsaw sa pulitika, sibak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang sinibak sa puwesto matapos masangkot sa maagang pakikisawsaw sa pulitika ng magpagamit  sa binabantayang kandidato sa lalawigan  ng Abra, ayon sa opisyal kahapon.

 Kinilala ni Chief Supt. Benjamin Magalong, Regional Director ng Police Regional Office –Cordillera (PRO-COR) ang mga sinibak na parak na sina PO3 Raymund Palope at PO2 Jithelo Tuazon; pawang VIP security na escort ni La Paz Abra Mayor Joseph “JB” Bernos.

Ayon kay Magalong ang dalawang pulis ay sinibak niya sa puwesto matapos na makarating sa kaniyang kaalaman na nag-escort ang dalawang pulis ng mga inaawitang supporters ng kampo ni Bernos sa huling araw ng pagpapatala ng mga botante sa tanggapan ng Comelec sa Brgy. Isit, Dolores noong Oktubre 31.

 Bukod dito, sinabi ni Magalong na hindi inisyung baril ng PNP ang dala nina Palope at Tuazon kundi pag-aari ng alkalde ang isang MP5 submachine pistol na may isang magazine at 28 bala gayundin ang isang cal. 45 pistol na may isang magazine at pitong bala.

 “We will not allow our policemen to be used by anybody to protect their dubious activities and political interests irregadless whether they are incumbent or po­werful political leaders of any political party,” pagbibigay diin pa ni  Magalong.

 Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng hapon ng dumating ang kampo ng alkalde sa tanggapan ng Comelec upang ipatala ang nasabing mga supporters pero ‘di ito pinayagan ni Armando Bernardino, Comelec Municipal Registrar ng Dolores dahilan hindi umano lehitimong residente sa lugar ang nasabing mga nagpaparehistro. Nagres­ponde naman ang pulisya at dinisarmahan ang dalawa nilang kasamahang parak.

 

ARMANDO BERNARDINO

BENJAMIN MAGALONG

BERNOS

CHIEF SUPT

COMELEC

COMELEC MUNICIPAL REGISTRAR

JITHELO TUAZON

LA PAZ ABRA MAYOR JOSEPH

MAGALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with