^

Probinsiya

Rice trader itinumba ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Muli na naman naghasik ng lagim ang riding-in-tandem matapos ratratin at mapatay ang 52-anyos na rice trader sa Barangay San Sebastian sa bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa.

Base sa police report, nasa loob ng bahay ang biktimang si Leonardo Pantaleon nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki.

Kahit sugatan ay tinangkang lumabas ng biktima subalit hinabol pa ito ng gunmen saka muling pinutukan ng baril. Kaswal lamang na naglakad ang gunmen palabas ng bahay saka tumakas na lulan ng motorsiklo.

Sa tala ng pulisya, noong nakalipas na linggo lamang, dalawang negos­yanteng mula Lipa City, Batangas ang niratrat at napatay ng tandem assassins sa Barangay Raniag.

Kasunod nito, nanawagan naman si P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na madaliing aprubahan ang ordinansa  kaugnay sa rehistrasyon ng mga motorsiklo sa region 2 sa ilalim ng panukala ng pulisya sa Verification Identification Sticker Authenticity (VISA).

BARANGAY RANIAG

BARANGAY SAN SEBASTIAN

BATANGAS

CHIEF SUPT

GRACIA

ISABELA

KAHIT

LEONARDO PANTALEON

LIPA CITY

VERIFICATION IDENTIFICATION STICKER AUTHENTICITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with