6 opisyal ng PNP sinibak dahil sa illegal gambling
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tuluyang sinibak sa puwesto ang anim na opisyal ng pulisya dahil sa patuloy na operasyon ng illegal gambling sa kani-kanilang nasasakupang bayan sa lalawigan ng Albay.
Kabilang sa mga opisyal na sinibak ay sina Camarines Sur Provincial Director P/Senior Supt. Ramon Ranara, Camarines Sur PNP director; P/Chief Insp. Alejandro Monge, hepe ng pulisya sa bayan ng Buhi; Canaman COP na si P/Senior Insp. Rodolfo Oliver Jr. ng bayan ng Canaman PNP; P/Chief Insp.Venarando Ramirez ng Pili PNP; P/Senior Insp. Joel Sabuco ng Pasacao PNP at si P/Chief Insp. Noel Aquino ng Sipocot PNP.
Sa memorandum mula sa Camp Crame, papalit kay Ranara ang kanyang deputy na si P/Supt. Leony Mesa Danao habang si Ranara naman ay ilalagay sa Regional PNP Holding and Administration Unit. Samantala, si P/Chief Insp. Elizor Dy-Cok ay papalit kay Padua; si Monge naman ay papalitan ni P/Chief Insp. Danilo Bagacina at si Aquino naman papalitan ni P/Chief Insp. David Reyes. Gayundin si Ramirez na papalitan ni P/Chief Insp. Benjamin Espana at si Oliver naman ay papalitan ni P/Senior Insp. Samuel de Villamer.
- Latest