Embalsamador dinedo sa trikeNi C

NUEVA ECIJA , Philippines – Napatay ang 32-anyos na embalsamador makaraang pagtulungan saksakin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng traysikel sa kahabaan ng Nueva Ecija – Aurora Road sa Barangay Manacnac, Palayan City, Nueva Ecija, noong Linggo ng madaling-araw. Kinilala ng Palayan City PNP ang biktima na si Germinihildo Mongaya y Mandia ng Barangay Caimito sa nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nagpapagasolina ng kanyang traysikel kasama ang anak na lalaki at dalawang ‘di-kilalang pasahero. Palaisipan sa pulisya ang nawawalang anak ng biktima matapos ang pagpaslang sa kanyang ama.

 

Show comments