Nene pisak sa sagasa

MANILA, Philippines - Napisak at nasawi ang 10-anyos na batang babae makaraan masagasaan  ng sasakyan habang tumatawid sa Maharlika Highway sa Barangay Los Angeles, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng umaga. Halos mapisak ang ulo ng biktimang si Grace Amper matapos masagasaan ng Mitsubishi Adventure (LMK 556) na minamaneho ni Jegueva Jamero, 24, ng Tubay, Agusan del Norte. Ayon sa imbestigasyon, tumakbo habang tumatawid ang bata kung saan sa bilis ng pangyayari ay nabigo ang driver na kontrolin ang manibela. Sinasabing nakaladkad ng sasakyan ng ilang metro ang biktima habang sasampahan ng kaukulang kaso ang driver na si Jemero.

 

Show comments