^

Probinsiya

Ama, ina kinatay ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunus na kama­tayan ang sinapit ng mag-asawang matanda makaraang pagtatagain ng sariling  anak na sinasa­bing sinapinan ng masamang espiritu sa isla na nasasakupan ng Zamboanga City kamaka­lawa.

Halos nagkaputul-putol ang katawan sa dami ng tinamong taga ng mga biktimang sina Dammang at Amura Ajihil na kapwa 60 at nakatira sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Zamboanga City PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang malagim na krimen sa tahanan ng pamilya Ajihil bandang alas-8:30 ng umaga.

Lumilitaw na nagkakape ang mag-asawa nang bigla na lamang daluhungin ng taga ng sarili nilang anak gamit ang bagong hasang itak sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Sunud-sunod na hataw ng taga ang ginawa ng suspek sa kaniyang mga magulang na siyang aga­rang ikinasawi ng dalawang matanda.

Bago ang insidente ay ilang araw na umanong tila may malalim na iniisip ang suspek  na palaging walang kibo.

Ilang oras matapos ang krimen ay rumesponde naman ang mga operatiba ng pulisya na pinasusuko ang suspek subalit nagmatigas ito.

Dito na dinaluhong ng taga ng suspek  ang arresting team kaya napilitang paputukan ng mga pulis ang papasugod na suspek kung saan agad na bumulagta.

 

 

vuukle comment

AJIHIL

AMURA AJIHIL

CAMP CRAME

DAMMANG

DITO

ILANG

KALUNUS

LUMILITAW

SUNUD

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with