Senglot na driver dedo sa trike

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 33-anyos na driver matapos magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Erwin Robles habang malubha naman ang kasama nitong si Richard Morquillo. Nakakulong naman ang driver ng traysikel na nakasalpukan ng dalawa si Victorino Hertrudes, 37, pawang mga nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Ariel Gacutan, lulan ng motorsiklo sina Robles at Morquillo na sinasabing kapwa lango sa alak nang makasalpukan ang traysikel ni Hertrudes sa kurbadang kalsada sa Heritage Homes Subd sa nabanggit na barangay.

Show comments