Lola binigti ng kawatan

QUEZON , Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 76-anyos na lola matapos itong bigtihin ay ninakawan pa ng malaking halaga ng ‘di-kilalang lalaki sa bahagi ng Brgy. Olongato Ilaya sa bayan ng Macalelon, Quezon, kamakalawa ng umaga. Naagnas na ang katawan nang matagpuan ang biktimang si Teofela Maligalig sa liblib at madamong bahagi  sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, noong Sabado ng umaga (Oktubre 20), tinungo ng biktima ang kanyang abogado para humingi ng legal advice kaugnay sa kanilang lupain na nahaharap sa landdispute. Subalit tatlong araw na ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang biktima hanggang sa magpasya ang kaniyang pamilya na maghanap. Dito na natagpuan ang bangkay ng biktima sa niyugan kung saan nakapulupot sa kanyang leeg ang tali ng shoulder bag. Binanggit ng mga kaanak ng biktima sa pulisya na may malaking halaga ang biktima na nakalagay sa shoulder bag subalit hindi nila alam kung magkano.

Show comments