SUBIC BAY FREEPORT, Philippines - Nakatipid ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ng P1.8 milyong bayarin sa kunsumo ng kuryente, ang pinakamalaking pagtitipid sa kuryente ng ahensya matapos ilunsad ang energy conservation program noong 2011.
Ayon kay SBMA Chairman Roberto Garcia, walong buwan na ang nakalipas ng ipatupad ang implementasyon ng programa kung saan malaking pagbaba o pagtitipid sa kunsumo ng kuryente nitong nakalipas na buwan.
Mula P6.98 milyon ay nabawasan ito ng P5.16 milyon sa bayarin sa konsumo sa kuryente o 26 percent ang ibinaba.
Sa tala ng SBMA, natapyasan ng kabuuang 48, 417 kwh mula sa 711, 684 kwh ay naging 663, 267 kwh na lamang ang naging konsumo noong Setyembre simula ng mag-umpisa ang nasabing programa.
Ito na umano ayon kay Garcia, ang pinakamalaking pagtitipid sa bayarin ng SBMA dahil na rin sa kanilang pagsunod sa Government Energy Management Program ng national government.