Mister kinatay ng matadero

BALAGTAS, Bulacan, Philippines  – Pinagtulungang saksakin at napatay ang 26-anyos na mister ng anim na matadero sa Barangay Santol sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jayson Cuerdo habang tinutugis naman ang mga suspek na sina Ruben Garcia, anak nitong si Bondoy Garcia, Melvin Serrano at tatlong iba pa. Sa imbestigasyon ni SPO1 Roberto Santos, nagkainitan ang biktima at ang suspek na si Bondoy na kapwa lango na sa alak na nauwi sa suntukan. Nabatid na pinabagsak sa suntok ng biktima ang isa sa suspek kaya nagtawag ito ng kasama. Dito na pinagtulungang saksakin ang biktima na nasawi habang ginagamot sa Balagtas Doctors Hospital.

Show comments