^

Police Metro

14K pulis ikakalat sa pista ng Itim na Nazareno

Doris Franche-Borja - Pang-masa
14K pulis ikakalat sa pista ng Itim na Nazareno
Barefoot devotees – estimated to number around 70,000 – jostle to get closer to the image of the Black Nazarene during a thanksgiving procession outside the Quiapo Church in Manila.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 14,000 pulis ang ikakalat para tiyakin ang seguridad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila sa Enero 9.

Ito ang sinabi kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Brig. Gen. Anthony ­Aberin, kabilang sa police deployment ang 12,168 pulis para sa seguridad ng lugar at ruta ng Traslacion at 2,306 tauhan bilang karagdagang puwersa.

Sinimulan umano ang paghahanda sa taunang relihiyosong aktibidad na ito matapos ang inisyatibo ng Philippine National Police (PNP) na “Ligtas Paskuhan”, dagdag pa ni Aberin.

Ang paghahanda ng NCRPO sa Feast of the Black Nazarene ay kasunod ng matagumpay na paghahanda at maayos na implementasyon ng Ligtas Paskuhan ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Aberin na nasa 10,984 pulis ang ikinalat para sa peace and order mula Disyembre 16, 2024 hanggang Enero 1, 2025. Walang naita­lang malaking krimen nitong Holiday Season.

Ani Aberin, hindi magbabago ang ruta ng Traslacion ng Itim na Nazareno na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Luneta patungong Quiapo church.

BLACK NAZARENE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with