^

Police Metro

Van sumalpok sa center island: Driver utas, 15 pasahero nasugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang driver ng van habang 15 pasahero ang nasugatan nang bumangga sa center island ng Diversion road na sakop ng Barangay Domoit, Lucena City, Quezon, kamakalawa.

Patuloy pang ­inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawing driver na ang mga labi ay nakalagak sa isang punerarya habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center (QMC) ang 15 pasaherong nasugatan.

Ayon sa imbestigasyon, galing sa Maynila ang Nissan Urban Van na minamaneho ng nasawing driver at patungo ito sa Bicol Region lulan ang 15 pasahero.

Habang binabagtas ng driver ang diversion road ay nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang banggain ang center island na agaran nitong ikinamatay at ikinasugat ng mga pasahero.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with