^

Police Metro

Padyak boy, dinedo sa pila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinedo ang isang pad­yak boy makaraang pagsasaksakin ng isang pedicab driver na nagalit sa kanya nang sumingit ito sa pila sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Harold Layson, 18, naka­tira sa Temporary Housing, Tondo, Maynila.

Nakilala naman ang tumakas na suspek na si Aljon Manamba, nasa hustong gulang, ng Tumana, North Bay Boulevard South, Navotas.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, naganap ang krimen dakong alas-6:00 ng umaga sa pila ng pedicab sa Lapu-Lapu St., sa Lungsod.

Matiyaga umanong nakapila ang biktima nang singitan ng suspek nang ito na ang pipikap ng pasahero.

Dito nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa ma­uwi sa suntukan.  Ngunit sadyang hindi palalamang si Manamba na nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

ALJON MANAMBA

DINEDO

DITO

HAROLD LAYSON

LAPU-LAPU ST.

LUNGSOD

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

TEMPORARY HOUSING

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with