^

Police Metro

Pagbitay sa Pinoy sa Saudi iniliban ng 4 buwan

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nabitay sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo kahapon sa Saudi Arabia ang overseas Filipino worker (OFW) na si Joselito Zapan­ta matapos makakuha ng apat na buwang pagpapaliban.

Ayon kay Vice President at Presidential Adviser on OFW Concerns Jejomar Binay, lumuwag ang ibinigay na kondisyones ng pamil­ya ng Sudanese national na napatay ni Zapanta na bukod sa apat na buwang palugit para makalikom ng blood money ay binabaan din ang hinihinging kabayaran na mula sa 5 mil­yong Saudi Riyal (P55 milyon) blood money ay ibinaba ito sa SR 4 million o P44 milyon kapalit ng buhay at kalayaan ni Zapanta.

Pinapurihan ni Binay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa pangunguna ni Ambassador Ezzedin Tago pagsusumikap na makipag-usap sa mga Su­danese at  Saudi officials hanggang sa huling sandali upang masagip si Zapanta.

Si Zapanta, 32-anyos,  tubong Bacolor, Pampanga ay hinatulan ng bitay ng Saudi Court of First Instance matapos na mapatunayang guilty sa kasong murder with robbery sa Sudanese landlord na si Saleh Imam Ibrahim noong 2009.

AMBASSADOR EZZEDIN TAGO

CONCERNS JEJOMAR BINAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOSELITO ZAPAN

PRESIDENTIAL ADVISER

SALEH IMAM IBRAHIM

SAUDI ARABIA

SAUDI COURT OF FIRST INSTANCE

SAUDI RIYAL

SI ZAPANTA

ZAPANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with