Porzingis isinampa ang Celtics sa panalo
BOSTON — Hinugot ni Kristaps Porzingis ang 26 sa kanyang season-high 34 points sa first half para banderahan ang nagdedepensang Celtics sa 122-100 pagligpit sa Chicago Bulls.
Kumonekta rin ang 7-foot-2 na si Porzingis ng season-best na walong three-point shots bukod sa hinablot na 11 rebounds para sa Boston (33-15).
Nagdagdag si Jaylen Brown ng 28 points habang may 22 at 16 markers sina Derrick White at Jayson Tatum, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Coby White ang Chicago (20-28) sa kanyang 16 points, samantalang hindi naglaro si leading scorer Zach LaVine.
Ang magkasunod na triples ni Tatum ang nagbigay sa Celtics ng 86-62 kalamangan sa third period na hindi na naputol ng Bulls sa fourth quarter.
Sa Miami, pumukol si Donovan Mitchell ng 34 points sa 126-106 pagtusok ng Cleveland Cavaliers (38-9) sa Heat (23-23).
Sa New York, tumipa si Jalen Brunson ng 30 points at 15 assists habang may 23 markers si OG Anunoby sa 122-112 pagdaig ng Knicks (32-16) sa Denver Nuggets (28-19).
- Latest