Paalam coach Acaylar
MANILA, Philippines — Nagluluksa ngayon ang Philippine volleyball pati na ang University of Perpetual Help System DALTA dahil sa pagpanaw ni dating men’s volleyball national team head coach Sammy Acaylar kahapon ng umaga.
Namaalam sa mundo si Acaylar sa edad na 66-anyos.
Si Acaylar ay naging assistant coach sa Philippine women’s team na humataw ng gold medal sa 17th Southeast Asian Games sa Singapore noong 1993 sa ilalim ni Russian head coach Stanislav Lugailo.
Hinawakan din ni Acaylar ang national men’s team sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017.
Tinulungan niya ang Perpetual Help sa kanilang volleyball program bilang sports director bago naging head coach.
Inihatid ni Acaylar ang Altas sa paghataw ng league-best 14 NCAA men’s volleyball championships tampok ang isang 53-game unbeaten run.
Hinawakan din niya ang Lady Altas na nagreyna sa Seasons 88 hanggang 90.
- Latest