^

PM Sports

Caloy umaasang magkakaayos na sila ng pamilya

Russell Cadayona - Pang-masa
Caloy umaasang magkakaayos na sila ng pamilya
Nag-selpi ang magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo na nagkita sa unang pagkakataon sa katatapos lang na PSA Awards Night.

MANILA, Philippines — Umaasa si 2024 Paris Olympic Games gymnastics double-gold meda­list Carlos Edriel Yulo na tuluyan nang mapaplantsa ang anumang gusot sa kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Yulo sa kanyang nakababatang kapatid na si Eldrew ang nakamit na Athlete of the Year trophy sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Centennial Hall ng historic Manila Hotel noong Lunes.

Binigyan din ng award si Eldrew sa event na ini­handog ng ArenaPlus kasama ang Cignal at M­ediaQuest.

“Sobrang nagagalak ako na may susunod sa after ko. Wini-wish ko po talaga and pinagdarasal na sana maabot niya po ‘yung gusto niya sa buhay at si­yempre, sa pagiging atleta,” ani ng 24-anyos na si Yulo sa 16-anyos na si Eldrew.

Sa gitna ng kanyang tagumpay ay hindi nakalimutan ni Yulo na magpa­salamat sa Panginoon.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng blessings and challenges na ibinigay niya sa buhay ko,” wika ng national gymnast. “Sa lahat ng paghihirap ko, lahat ng pagod, s­obrang worth it talaga na nakamit ko ang tagumpay kasama ang mga mahal ko sa buhay.”

Sa paggiya ni Pinoy coach Aldrin Castaneda ay dinakma ni Yulo ang floor exercise at vault golds sa Paris Olympics.

Iginawad sa tubong Leveriza, Manila ang Athlete of the Year trophy ng pinakamatandang media organization sa entablado kasama sina Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann, Senator Bong Go, Rep. Mikee Romero at PSA chief Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star.

Nagpasalamat din si Yulo kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na nakamit ang National Sports Association (NSA) of the Year award.

“Sa pagtitiwala at u­nang naniniwala sa kakayahan ko,” ani Yulo kay Carrion.

CARLOS EDRIEL YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with