^

PM Sports

Fuel Masters silat sa Bossing

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Fuel Masters silat sa Bossing
Ang layup ni Christian David ng Blackwater kontra kay Phoenix import Donovan Smith.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinilat ng Blackwater ang Phoenix, 100-92, upang manatiling nasa kontensyon ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup playoffs kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sumakay ang Bossing sa 8-0 panapos na bomba upang matakasan ang Fuel Masters at makaangat sa 3-8 kartada sa ika-10 puwesto.

Huling laban ng Blackwater ang NorthPort at bagama’t buhay pa ang pag-asa ay hindi nito hawak ang kapalaran lalo’t nasa bentahe ang NLEX (4-6), Magnolia (4-6) at San Miguel (4-5) para sa huling puwesto sa quarterfinals.

Subalit ang pinakamahalaga sa ngayon ay nakaiwas sa eliminasyon ang Bossing kahit pa wala ang injured import na si George King.

Sa kawalan ni King ay 5 locals ang nagkapit-bisig para sa mga bataan ni coach Jeff Cariaso sa pangunguna ng 22 puntos, 11 rebounds, 1 assist at 2 steals ni Justin Chua.

Tumabo rin ng double-double na 20 puntos at 12 rebounds si Christian David habang may 14, 11 at 10 puntos sina Jvee Casio, Mike Ayonayon at Jewel Ponferada, ayon sa pagkakasunod.

Kahit wala si King ay maagang kumaripas ang Bossing sa first half nang lumamang ng hanggang 15 puntos, 42-27, bago mahabol ng Fuel Masters at maging dikdikan ang duwelo.

Tabla pa ang 2 koponan sa huling 3 minuto, 92-92, bago magtulong-tulong sila Chua, Ponferada at David sa 8-0 finishing kick ng Blackwater.

Matamis na higanti ito ng Bossing matapos ang 127-109 kabiguan kontra sa segundang Converge (8-3) noong nakaraang linggo.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with