Daily Burn markado sa 4YO race
Paparada sa karerahan ang Daily Burn upang harapin ang mga tigasing kalahok sa 4-Year-Old & Above Imported/Local Challenge Series 1 na ilalarga sa Philippine Jockey Club, Padre Garcia, Batangas sa darating na Linggo (Enero 26).
Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee, Patty Ramos Dilema, makakatagisan ng bilis ng Daily Burn ang Andiamo A Firenze, Eutychus, Mano Dura, Perfect Delight at Velvet Haze.
Nakataya ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa event na may distansyang 1,600 meter race.
Posibleng magbigay ng magandang laban sa Daily Burn ang Mano Dura na gagabayan ni jockey Kelvin Abobo at Velvet Haze na rerendahan ni Pabs Cabalejo.
Susungkitin ng mananalong kabayo ang P300,000 habang P112,500 ang 2nd place at P62,500 ang 3rd place.
“Magandang laban, sigurado malaki ang magiging bentahan dahil halos lahat ng kasali ay malaki ang chance na manalo,” ani Conrado Magpantay, veteran karerista.
Nakatakda naman parangalan sa magaganap na 2024 San Miguel Corporation - Philippine Sportswriters Association Awards Night sa darating na Enero 27 sa Centennial Hall sa Manila Hotel sina Batang Manda, Benhur Abalos Jr. at jockey John Alvin Guce.
Nahirang na PSA-Horse of the Year si Batang Manda dahil sa pagkakapanalo nito sa Presidential Gold Cup noong Disyembre, Horse owner of the Year si Abalos habang Jockey of the Year si Guce.
- Latest