^

PM Sports

Eastern dinakma ang playoff ticket

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Eastern dinakma ang playoff ticket
Umeskapo si Eastern guard Glen Yang mula sa depensa ng Terrafirma para sa kanyang layup.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinagasaan ng Hong Kong Eastern ang kulelat na Terrafirma, 134-110, upang makapag-martsa sa playoffs ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa PhilSports Are­na sa Pasig City.

Ininda ng Eastern ang ankle injury ng import na si Chris McLaughlin at na­hirapan sa simula bago ku­mawala sa second half tungo sa 7-3 kartada at di­retso sa playoffs ng 13-team field.

Higit doon ay nanati­ling nasa kontensyon ng Top 2 at ‘twice-to-beat’ incentive ang Hong Kong ka­tabla ngayon ang Converge at NorthPort – na swak na rin sa playoffs – para sa segunda puwesto.

Sa pagkawala ni Mc­Laughlin na nadale agad ng injury sa unang limang minuto ng laban, sumandal ang Hong Kong sa local unit nito na binanderahan ni Ramon Cao na 23 points at 7 rebounds.

Nagkapit-bisig din sina Kobey Lam at Steven Guinchard na may tig-20 points, habang may 16, 13 at 11 markers sina Hay­den Blankley, Hao Zhu at Yuet Yeung Pok, ayon sa pagkakasunod, para sa Hong Kong na iniskor ang pinakamataas na puntos sa lahat ng koponan ngayong conference.

Subalit hindi ito naging madali dahil bukod sa injury ng kanilang import ay kinailangang ipagpag ng Eastern ang pagod nito mula sa siksik na sche­dule bunsod din ng partisi­p­as­yon nila sa East Asia Super League.

Noong Enero 5 pa hu­ling sumabak ang Hong Kong sa PBA matapos ang 88-83 kabiguan kontra sa Meralco subalit pa­balik-balik sa homecourt nito at dito sa Pinas para sa EASL kung saan kagagaling lang nila sa 84-74 panalo sa San Miguel Beer kamakalawa sa parehong venue.

Ito ang dahilan ng ma­alat na gapang ng Eastern na kinailangan munang painitin ang makina sa first half kung saan sila natulog sa pansitan.

Naghahabol pa sa 76-78 ang mga bataan ni coach Mensur Bajramovic sa huling tatlong minuto ng third quarter bago makala­yo sa 81-71 sa fourth quarter.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with