Batang Manda PSA Horse of the Year
MANILA, Philippines — Pararangalan ang Batang Manda bilang Horse of the Year sa 2024 San Miguel Corporation - Philippine Sportswriters Association Awards Night na gaganapin sa Enero 27 sa Centennial Hall sa Manila Hotel.
Kuminang ang career ng Batang Manda nakaraang taon matapos sungkitin ang prestihiyosong karera na Presidential Gold Cup na inilarga sa Metro Turf sa Malvar, Tanauan City sa Batangas noong Disyembre 8, 2024.
Contender sa Triple Crown series at kahit hindi nakapanalo sa tatlong legs ay nakamit ng pambato ni horse owner Benjamin Abalos Jr. ang PGC kung saan ay nanalo ito ng banderang tapos.
Ginabayan ni star jockey Patty Ramos Dilema ang Batang Manda at pagkatawid sa meta ay hinangaan ito ng mga karerista sa event na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).
Umabot na P7.2M ang napanalunan ng Batang Manda kaya masaya ang naging Pasko ng Abalos stable na kinabibilangan ng trainer, jockey, sota at ibang nag-aalaga sa kabayo.
Samantala, kukutitap din ang gabi ni Abalos dahil siya ang nahirang na PSA-Horse Owner of the Year habang back-to-back Jockey of the Year si John Alvin Guce.
Ang traditional Awards Night ay suportado ng PBA, PVL, Akari, Rain or Shine, AcroCity at 1-Pacman Party-list habang major sponsors ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT/Smart, Senator Bong Go, MILO, at Januarius Holdings.
Pinangunahan ni STAR sports editor Nelson Beltran ang pagorganisa sa pinakamatandang media organization sa Pilipinas na unang sinimulan noong 1949.
- Latest