Coming Earli wagi sa 2YO Maiden race
MANILA, Philippines — Ilang oras bago magtapos ang 2024 ay nakapagtala pa ng panalo ang Coming Earli matapos kuminang sa 2-Year-Old Maiden Race sa Metro Turf sa Malvar, Tanauan City, Batangas noong Disyembre 31.
Kumaripas agad sa unahan ang Coming Earli at Blue Bubble pagbukas ng aparato at nagtagisan ng bilis kasunod ang Boy Wonder at Easy Go Lucky.
Uminit ang bakbakan sa unahan ng Coming Earli at Blue Bubble sa kalagitnaan ng karera pero habang papalapit sa far turn ay kumukuha naman ng bandera ang winning horse.
Subalit hindi nilubayan ng Blue Bubble ang Coming Earli at binigyan ng una ng magandang laban ang huli sa huling kurbada.
Todo ang hataw ng latigo ni jockey MM Gonzales sa Coming Earli upang mag-init ang kabayo.
Lumayo ang Coming Earli kaya naman tinawid nito ang meta na may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang Blue Bubble.
Inilista ng Coming Earli ang tiyempong 1:13. 6 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ang P22,000 added prize para sa winning horse owner.
Terserong dumating sa finish line ang Easy Go Lucky, habang pumang-apat ang Ms. Pinkerton.
Nasikwat naman ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500, habang ang P1,000 at P500.00 ay ibinigay sa second at third placers, ayon sa pagkakasunod.
- Latest