^

PM Sports

Mavs ‘di kinaya ang Rockets

Pang-masa

HOUSTON — Kumamada si Alperen Sengun ng 23 points habang may 22 markers si Fil-Am Jalen Green sa 110-99 pagpapasabog ng Rockets sa Dallas Mavericks.

Nag-ambag si Dillon Brooks ng 19 points at may 18 markers si Cam Whitmore para pigilan ng Houston (22-11) ang kanilang dalawang dikit na kamalasan.

Pinamunuan ni Quentin Grimes ang Dallas (20-14) sa kanyang 17 points kasunod ang tig-16 markers nina Klay Thompson at Kyrie Irving.

Ito ang ikatlong pagkakataon sa apat na laro na natalo ang Mavericks nang wala si injured star Luka Doncic (strained his calf).

Isang 21-8 atake ang ginawa ng Rockets para kunin ang 61-52 halftime lead tampok ang walong puntos ni Green habang may dalawang three-point shots si Whitmore.

Isa pang 11-4 bomba ang inihulog ng Houston para ibaon ang Dallas sa 72-56 sa kaagahan ng third quarter.

Sa Sacramento, umiskor si De’Aaron Fox ng 35 points para banderahan ang Kings (15-19) sa 113-107 pagpapatumba sa Philadelphia 76ers (13-18).

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng triple-double na 23 points, 17 rebounds at 15 assists sa paggabay sa Nuggets (19-13) sa 139-120 pagdakma sa Atlanta Hawks (18-16).

Sa Toronto, nagposte si Scottie Barnes ng 33 points at 13 rebounds para tulungan ang Raptors (8-26) sa 130-113 pagdaig sa Brooklyn Nets (12-21).

Sa Miami, bumira si Tyler Herro ng 32 points sa 119-108 pagtusta ng Heat (17-14) sa New Orleans Pelicans (5-29).

Sa Washington, nagbagsak si Jordan Poole ng 30 points sa 125-107 pagpapatumba ng Wizards (6-25) sa Chicago Bulls (15-19).

Sa Detroit, naglista si Jaden Ivey ng 22 points sa 105-96 pagsagasa ng Pistons (15-18) sa Orlando Magic (20-15).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with