^

PM Sports

Explosive play resumption

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pagkatapos ng 10-day break, explosive double-header ang maghuhudyat ng resumption ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Meralco kontra Hong Kong Eastern sa 5 p.m. curtain-raiser at Barangay Ginebra versus San Miguel Beer sa 7:30 p.m. mainer.

Siguradong mainit na bakbakan ang dalawang laro – kinapapalooban ng mga elite teams na kasalukuyang pawang nasa gitna ng team standings.

Bahagyang angat ang Eastern (6-2) na nasa likuran ng top two teams NorthPort (6-1) at Rain or Shine (4-1). Tangan ng Ginebra ang 4-2 kartada samantalang 3-2 ang Meralco at 3-3 ang San Miguel Beer.

Inaasahang totodo ang lahat sa play resumption upang habulin ang Top Two na may regalong twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Hindi kagandahan ang simula ng Ginebra at Meralco sa tournament, pero inaasahan ang kanilang remate once makabalik ang kanilang mga injured players – pa­ngunahin si Jamie Ma­lonzo para sa Gin Kings at sina Allein Maliksi, Chris Banchero, Raymond Almazan at iba pa para sa Bolts.

Sa stats race indivi­dually, malaki ang focus na nakatuon kay Arvin Tolentino, ang scoring leader na malaki ang ambag sa mainit na ratsada ng NorthPort.

Nasa likuran niya sina Calvin Oftana ng TNT, Robert Bolick ng NLEX at June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

Inaasahan na iigting ang labanan sa second half ng Commissioner’s Cup elims.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with