^

PM Sports

Hornets sinuwag ng Bucks

Pang-masa
Hornets sinuwag ng Bucks
Dinakdakan ni Bucks forward Giannis Anteto­kounmpo ang mga Hornets defenders.

MILWAUKEE — Humakot si Giannis Anteto­kounmpo ng 32 points at 11 rebounds habang may 31 markers si Damian Lillard sa 125-199 pagsuwag ng Bucks sa Charlotte Hornets.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Milwaukee (8-9) na nauna nang tinalo ng Charlotte (6-10) noong Nobyembre 16.

Binuksan ng Bucks ang fourth quarter sa isang 14-5 atake para ilista ang 110-90 bentahe bago nakadikit ang Hornets sa 119-121 ga­ling sa three-point shot ni Brandon Miller sa huling 15 segundo.

Dalawang free throws ang ipinasok ni Taurean Prince para sa 123-119 abante ng Milwaukee kasunod ang mintis na dalawang triples ng Charlotte.

Humataw si LaMelo Ball ng career-high 50 points para sa Hornets habang may 32 markers si Miller.

Sa San Antonio, kuma­mada si Victor Wembanyama ng 25 points sa pagbangon ng Spurs (9-8) mula sa 17-point third-quarter deficit para sa 104-94 pagresbak sa Golden State Warriors (12-4).

Sa Houston, umiskor si Anfernee Simons ng 25 points sa 104-98 pagdaig ng Portland Trail Blazers (7-10) sa Rockets (12-6).

Sa Chicago, bumanat si Scotty Pippen Jr. ng career-best 30 points sa 142-131 paggupo ng Memphis Grizzlies (10-7) sa Bulls (7-11).

Sa Los Angeles, kumolekta si Nikola Jokic ng 34 points, 13 rebounds at 8 assists habang may 24 markers si Michael Porter Jr. sa 127-102 panalo ng Denver Nuggets (9-6) sa Lakers (10-6).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with