^

PM Sports

Semis cast seselyuhan ng Lyceum vs St. Benilde

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang ikaapat at hu­ling Final Four berth ang pakay ng Lyceum of the Philippines University sa pagsagupa sa College of St. Benilde sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Lalabanan ng Pirates ang Blazers ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang bakbakan ng Emilio Aguinaldo College Ge­nerals at Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Magkasosyo sa lide­rato ang St. Benilde at Mapua sa magkatulad nilang 14-3 record kasunod ang nagdedepensang San Beda (10-7), Lyceum (9-8), EAC (8-9) at mga sibak nang Letran (8-10), Arellano (7-10), Perpetual Help (7-11), San Sebastian (5-12) at Jose Rizal (4-13).

Ang panalo ng Pirates, nasa three-game winning streak, ang bubuo sa Final Four kasama ang Blazers, Cardinals at Red Lions.

Umiskor ang Lyceum ng krusyal na 74-65 panalo sa EAC tampok ang 11 points ni rookie Jonathan Daileg sa kabuuan ng fourth quarter.

 Nagmula naman ang St. Benilde sa 70-62 paggiba sa San Beda para makabalik sa porma matapos wakasan ng Mapua ang kanilang seven-game winning run.

Sakaling manalo ang Blazers sa Pirates at ma­naig ang Cardinals sa Chiefs bukas sa Cuneta Astrodome sa final play date ng eliminations ay makukuha pa rin ng St. Benilde ang No. 1 seat sa semis bunga ng kanilang higher quotient sa Mapua.

Ang posibleng senaryo, lalabanan ng Bla­zers ang sinuman sa Pirates o Generals sa semifinals, habang makakatapat ng Cardinals ang Red Lions.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with