^

PM Sports

Gilas maghahanda na para sa FIBA ACQ

Chris Co - Pang-masa
Gilas maghahanda na para sa FIBA ACQ
Kai Sotto sa isang laban ng Gilas Pilipinas.

MANILA, Philippines — Muling sasalang sa matinding paghahanda ang Gilas Pilipinas para tutukan ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang trai­ning camp ng Gilas sa Biyernes sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Inaasahang dara­ting ngayong linggo sina Kai Sotto at AJ Edu na kumpirmado nang lalaro sa qualifiers kung saan makakalaban ng Gilas ang New Zealand sa Nobyembre 21 at Hong Kong sa Nob­yembre 24.

Manggagaling sina Sotto at Edu sa Japan kung saan pareho itong naglalaro sa Japan B.League.

Hindi nakapaglaro si Sotto sa laban ng Ko­shigaya Alphas kontra sa Yokohama B-Corsairs dahil sa minor injury kung saan natalo ang kanilang tropa sa iskor na 87-63.

Matikas ang inilalaro ni Sotto sa Japan B.League hawak ang averages na 12.1 points, 9.2 rebounds, 1.8 assists at 1.3 blocks.

Ito na naman ang u­nang pagkakataon na muling masisilayan si Edu suot ang Gilas jersey matapos mabigong makapaglaro sa first window noong Pebrero dahil sa iniindang injury.

Maganda rin ang rekord ni Edu sa Japan B.League kasama ang Nagasaki Velcas kung saan bitbit nito ang averages na 6.6 points, 6.5 rebounds at 1.8 blocks.

Nasa Japan B.League din si Dwight Ramos na bahagi rin ng Gilas pool.

Inaasahang mabubuo ang Gilas squad sa ensayo kasama ang mga iba pang players partikular na ang mga naglaro sa katatapos na PBA Govenors’ Cup.

Kabilang na rito si naturalized player Justin Brownlee na magpapa-hinga muna bago muling sumabak sa training camp.

Wala pang kumpirmas-yon kung makalalaro si La Salle standout Kevin Quiambao na naglalaro sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

Nasa Gilas pool din sina Scottie Thompson, June Mar Fajardo, Jamie Malonzo, Carl Tamayo, CJ Perez, Chris Newsome at Calvin Oftana.

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with