Frye nakipagkasundo sa $32M deal sa magic
Nakipagkasundo si free-agent forward Channing Frye sa isang four-year, $32 million contract sa Orlando Magic, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.
Iniwanan ni Frye ang final season ng kanyang kontrata sa Phoenix Suns para maging isang unrestricted free agent.
Nakatakda sanang tumanggap si Frye ng player’s option para sa $6.8 milyon sa 2014-15 season na siya sanang huli niyang taon sa orihinal na five-year, $30 million deal.
Gusto ng Suns na muling kunin si Frye, ngunit ang alok ng Magic ay masyadong malaki para tanggihan.
Makaraan ang diagnosis ng isang enlarged heart na nagpaupo kay Frye sa kabuuan ng 2012-13 season, nagbalik siya sa Suns at lumaro ng 82-games.
Si Granger naman ay napabalitang bibigyan ng 2-year, $2 million deal.
Granger, McRoberts ayos na sa Heat
MIAMI -- Nasangkot si LeBron James sa pakiki-pagsagutan kina Danny Granger at Josh McRoberts sa playoffs.
At ngayon ay maaari niyang maging kakampi ang dalawa kung magdedesisyon ang four-time NBA MVP na manatili sa Miami.
Inihayag ng Heat na papipirmahin nila ng kontrata sina Granger at McRoberts kapag natapos na ang moratorium sa deals ngayong linggo.
Pumayag si McRoberts sa isang four-year deal na magsisimula sa $5.3 milyon sa susunod na season, sabi ni agent Mike Conley Sr., kung saan gagamitin ng Miami ang kanilang mid-level exception para maplantsa ang kontrata.
Westbrook ‘di lalaro sa TEAM USA sa World Cup
Umayaw na si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook sa Team USA para sa darating na 2014 World Cup sa Spain, ayon sa pahayag ng league sources sa Yahoo Sports.
Si Westbrook ay naging miyembro ng gold-me-dal-winning teams noong 2010 at 2012 sa world championships at sa Olympics, ayon sa pagkakasunod at naging paborito ni national coach Mike Krzyzewski.
Umaasa pa rin ang 25-anyos na si Westbrook na makakapaglaro sa 2016 Olympic Games sa Brazil, wika ng sources.
Ang desisyon ni Westbrook ang nagbigay ng pagkakataon kay Golden State guard Stephen Curry na makipag-agawan para sa roster spot kina Kyrie Irving at Damian Lillard ng Cleveland at Portland.
Hindi pa nagdedesisyon si Derrick Rose ng Chicago kung maglalaro para sa USA Basketball.
Matapos ang season kung saan siya sumailalim sa pangatlong surgery sa kanyang kanang tuhod, nagdesisyon si Westbrook na umatras sa two-month commitment na kinabibilangan ng July training camp, August exhibition tour at September tournament sa Spain.