MANILA, Philippines - May dalawang araw si Grandmaster Oliver Barbosa para magdesisyon kung lalaro siya o hindi sa Philippine team na sasabak sa 41st World Chess Olympiad na nakatakda sa Aug. 1-15 sa Tromso, Norway.
“They just e-mailed me earlier (kahapon),” sabi ni Barbosa na tinutukoy ang sulat mula sa National Chess Federation of the Philippines na nagtatanong sa kanya kung sasama siya sa Olympiad-bound squad.
Sinabi ng 27-gulang na si Barbosa, dumating kasama si GM Mark Paragua sa New York kamakailan matapos makibahagi sa 42nd World Open in Arlington, Virginia, na binigyan siya ng hanggang Huwebes para magdesisyon.
“They gave me two days so I have until Thursday (Phl time) to decide. For now, I will rest first because I’m coming off three straight open tournaments,” sabi ni Barbosa. “Will probably pray and go to church tomorrow night and maybe I can decide.”
Sinabi ni Barbosa na apektado siya ng kasalukuyang isyu kaya tumapos lang siya ng 5.5 points mula sa tatlong panalo at limang draw at isang talo sa Arlington tournament kung saan nagtala si Paragua ng mas mataas na 6-points.
“Honestly, I can’t focus and think right during my games,” ani Barbosa.
Sina Barbosa at Paragua ay umalis ng bansa noong January matapos ibaba ang kanilang P30,000 sahod mula sa Phl Sports Commission sa P8,000 matapos mabigong maka-gold sa 2013 Myanmar Southeast Asian Games. (JV)