^

PM Sports

Messi vs Robben tampok sa Argentina vs Netherlands

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO – Maghaharap ang dalawang mahuhusay na dribblers ng World Cup na sina Lionel Messi at Arjen Robben  sa pagsasagupa ng Argentina at Netherlands sa semifinals.

Sa Brazil, naging mabilis si Robben ngunit naging matinik naman si  Messi.

Nitong Miyerkules sa Sao Paulo, isa sa dalawang ito ang magdidikta ng magiging takbo ng laro para ihatid ang kani-kanilang koponan sa finals.

“We have to cut the supply line to Messi,” sabi ni Dutch defender Bruno Martins Indi.

Pinangunahan ng Barcelona star ang Argentina sa group stage na may apat na goals. Mayroon din siyang 180 passes sa limang matches.

Maraming umiiskor sa Dutch team-- si Robben at Robin van Persie ay may tigatlong goals, si Memphis Depay ay may dalawa para sa kabuuang 12 ng koponan ngunit ang pagdadala ng bola ni Bayern Munich ang laging kinagigiliwan sa  Oranje matches.

“We know that we will play against one of the best teams when it comes to counterattacks because of the speed of their men up front,” sabi ni Argentina midfielder Javier Mascherano. “So we have to take precautions to not give them the possibility to counterattack, to always be well positioned, to not lose balls unnecessarily in areas where there’s a lot of risk.”

Matapos umiskor ng 10-beses sa group play, ang Netherlands ay naka-2-puntos lang sa dalawang knock-out matches at umaasa ang Dutch na babawi si captain Van Persie.

Hindi uli makakasama ng Netherlands si midfield controller Nigel de Jong na may torn groin muscle.

ARJEN ROBBEN

BAYERN MUNICH

BRUNO MARTINS INDI

JAVIER MASCHERANO

LIONEL MESSI

MEMPHIS DEPAY

MESSI

NITONG MIYERKULES

ROBBEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with