^

PM Sports

Nagmamatiyag na sa PBA ang import ng San Mig, ROS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na makapaghintay sina imports Alex McLean at James Mays para maipakita ang kanilang husay sa darating na PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay dahil na rin sa kanilang panonood ng PBA Philippine Cup finals sa pagitan ng Rain or Shine at San Mig Coffee.

Nakita nila kung paano sumuporta ang mga fans sa kani-kanilang mga koponan.

Ang 28-anyos na si McLean ay kakampanya para sa Rain Or Shine at maglalaro ang 27-anyos na si Mays sa panig ng San Mig Coffee.

Sa second conference, ang huling dalawang Philippine Cup finishers na Air 21 at Meralco ay mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng import na 6-foot-11.

Ang height limit naman para sa walo pang koponan ay hanggang 6’9 lamang.

Si McLean ay 6’8 at 6’9 naman si Mays.

Asam ng dalawang imports na maibalik sa Finals ng Commissioner’s Cup ang Elasto Painters at ang Mixers.

Si McLean ay isang 240-pound forward mula sa Liberty University, isang NCAA Division I school sa Virginia.

Kumampanya na siya sa Poland, Paraguay, Argentina, Iraq, Egypt, Qatar, China at Lebanon bilang isang journeyman.

Noong 2011 ay nagposte si McLean ng mga ave-rages na 22.4 points, 14.6 rebounds at 1.6 steals para sa Jin Qiang Sichuan sa Chinese league.

 Si McLean ay hindi naglaro sa high school dahil ikinunsidera siyang maliit sa taas na 6-2 bilang isang senior.

Dahil dito, tinutukan ni McLean ang bass, piano at drums para sa Bay Shore High School band.

Ngunit sa dulo ng kanyang senior year ay tumangkad si McLean at nakumbinsing maglaro ng basketball.  Tinanggihan niya ang mga music scholarship offers mula sa ilang eskuwelahan.

Nagdesisyon si McLean na tutukan ang kanyang basketball career.

Nakilala naman si Mays bilang isang scrambling defender sa Clemson University, isang NCAA Division I school sa South Carolina.

Inilarawan ni Clemson coach Oliver Purnell si Mays bilang “the key guy in our pressure defense, our best on-the-ball defender and the point of the press.”

vuukle comment

BAY SHORE HIGH SCHOOL

CLEMSON UNIVERSITY

DIVISION I

ELASTO PAINTERS

JAMES MAYS

JIN QIANG SICHUAN

MCLEAN

PHILIPPINE CUP

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with