Optimistiko ang Globalport

MANILA, Philippines - Sa pagkakahugot kina Alex Cabagnot at Bonbon Custodio, umaasa ang Globalport na makakapasok sila sa semifinal round ng darating na 2014 PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay team manager BJ Manalo, natagpuan na nila ang ‘missing links’ para makamit ang kanilang hinahangad. Bagama’t nawala sa kanila si scoring guard Sol Mercado, kumbinsido naman sina Manalo at coach Pido Jarencio na ang 10-year pro na si Cabagnot ang gagabay sa mga Batang Pier.

Ang Fil-American guard na si Cabagnot ay nakuha ng Globalport mula sa Petron Blaze sa isang one-on-one trade sangkot si Mercado.

“He’s the perfect leader Globalport needs at this point,” wika ni Manalo. “He is also the mentor we were looking for to guide our rookies RR (Garcia) and Terrence (Romeo).” “In getting Alex, we had to sacrifice Sol who we wish for him the best,” dagdag pa nito.

Naging bahagi ng coaching staff ng Petron Blaze (ngayon ay San Miguel Beer), walang nakikitang problema si Jarencio sa paghawak kay Cabagnot.

Show comments