^

Police Metro

Ika-4 impeachment vs Sara suportado ng majority coalition

Joy Cantos - Pang-masa
Ika-4 impeachment vs Sara suportado ng majority coalition
Vice President Sara Duterte holds a press conference at the Office of the Vice President (OVP) in Mandaluyong City on September 25, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinatayang 10-12 Kongresista ang sumusuporta sa ikaapat na impeachment complaint na ihahain laban kay Vice President Sara Duterte na posibleng ihain na ngayon o sa susunod na mga araw.

Ito ang kinumpirma nina House Deputy Minority Leader France Castro at dating ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na kapwa iginiit na ‘welcome’ sa kanila ang paghahain ng ikaapat na impeachment laban kay VP Sara.

Ang Kongreso ay kasalukuyan pang naka-recess at nakatakdang magbukas muli ang ­sesyon sa darating na ­Enero 13 (Lunes) pero kung may maghahain umano ng impeachment complaint ay nakadepende ito kung mago-overtime ang tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco at depende sa mapag-uusapan ng mga Kongresista na magi-sponsor ng panibagong impeachment.

Inihayag naman ni Tinio na ang mahalaga ay ang koalisyon ng mga miyembro ng mayorya ng Kamara ang susuporta at mag-iindorso sa ikaapat na impeachment laban kay VP Sara.

“The fact that 10-12 representatives are willing to endorse this fourth complaint suggests a possible shift in the House leadership’s stance. Para itong go-signal mula sa majority leadership,” paliwanag pa nito.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with