NBI hinikayat ang mga mediamen kasuhan ang peddlers ng fake news

MANILA, Philippines — Hinikayat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga mamamahayag na magsampa ng kaso laban sa mga peddlers ng fake news kasunod naman ng prediksiyon ng mga analysts na lalala pa ito sa mga susunod na buwan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, may mga hakbangin ng ikinakasa ang kaniyang tanggapan laban sa mga online personalities na nagpapakalat ng fake news na sinisira ang content ng mga lehitimong media outlets o pinapalitan ang mga report ng disinpormasyon.
Sinabi ni Santiago na ang hakbang ay kasunod ng pagkakaaresto sa Cebu-based content creator na si Wendilyn Magalso na ini-edit ang News5 artcard na nagtatampok sa pahayag na Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang palitawin na pabor ito na maging lehitimo sa bansa ang narcotics.
“We will take serious steps against vloggers that spread fake news”, ayon kay Santiago na sinabing dapat managot ang mga pekeng vloggers na sinisira ang tunay na report ng mga lehitimong media.
Nabatid na ang orihinal na pahayag ni Pangulong Marcos na iniere ng News 5 ay mula sa talumpati nito noong Marso 15 sa Tacloban City sortie para sa mga senatorial candidate ng administrasyon na sinabing ang karahasan ay hindi solusyon para matuldukan ang illegal na droga.
Gayunman, binago it oni Magalso ng disinpormasyon at pinalitaw na nanawagan si Marcos sa Kongreso para gawing legal ang droga sa Pilipinas.
Inihayag pa ni Santiago na nakikipagkooperasyon na sila sa Facebook at Tiktok para habulin ang mga peddlers ng fake news.
- Latest